67
2 estudyanteng tulak ng marijuana, nasakote sa Cainta
Feb 13, 2020 @ 17:04
By

P1.2M marijuana, nasabat sa bus terminal sa Cubao

Nasamsam ng mga awtoridad ang sampung kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa isang estudyante sa bus terminal sa Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang nadakip na si Karlo Jose Pio Ricafrente, 24, estudyante at residente ng Sta. Maria Compound, Santolan, Pasig City.

Si Ricafrente ay naaresto sa ES Transport Terminal sa Brgy. E. Rodriguez, EDSA, Cubao bandang alas-5:40 ng umaga (February 13) ng pinagsanib na operatiba ng QCPD at Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region. (PDEA-NCR).

Una rito ay nakatanggap ng impormasyon ang PDEA-NCR na may isang kahon na may laman na bloke-blokeng marijuana at ipinadala ito sa ES Bus pabalik ng Metro Manila galing sa Mt. Province.

At sa impormasyon, ang kahon na naglalaman ng marijuana ay nakapangalan sa isang Ricafrente na siyang tatanggap ng parcel.

Agad namang kumilos ang PDEA at nakipagkoordinasyon sa QCPD kaya inabangan ang pagdating ng nasabing bus sa terminal, kung saan ay nag-aabang na rin pala si Ricafrente at naaresto ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?