39
ABANTE 1b customs party drugs illegal
By

P1.2 bilyong halaga ng ‘party drugs’, ibinigay na sa PDEA

Pormal nang inilipat ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit dalawang milyong tableta ng mga ‘party drugs’ na kanilang nasamsam mula sa Surface Mail Exchange Department sa Delpan Street sa Port Area, Maynila.

Ang turnover ceremony ay isinagawa sa punong tanggapan ng BOC sa Port Area.

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña, ang nasabing iligal na droga ay tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon.

Ang nasamsam na mga tableta ay kinabibilangan ng valium, pinix at stilnox at iba pang uri ng party drugs.

Sinabi ni Lapeña na bagama’t nakapangalan sa magkakaibang recipient ang mga tableta, posibleng isang sindikato lamang ang pinanggalingan nito dahil ang mga nasamsam na droga ay pawang nanggaling lahat sa Pakistan.

Tinukoy pa ni Lapeña na inaalam na rin nila kung sino ang mga personalidad na sangkot sa tangkang pagpuslit ng droga.

“Wala pang nahuling personality dito. Although an investigation is being conducted. They are supposed to be received by personalities identified in the packages but they did not appear during the interception,” paliwanag ng opisyal.

Dumating umano ang mga kontrabando noong Enero 4 at Enero 10, at nang walang dumating para kunin ang mga tableta, nagpasya na ang BOC na kumpiskahin ang mga ito.

Nadiskubre ang mga iligal na droga sa pamamagitan ng pagbusisi ng pinagsanib na puwersa ng Customs Postal Office examiners at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?