36

By

P1.13B multa sa Manila Water pinahihimay ni Poe

Dapat umanong isapubliko ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang ipinataw nitong penalty na P1.13 bilyon sa Manila Water kaugnay ng nangyaring water crisis noong nakaraang buwan.

Batay sa pahayag ni Senadora Grace Poe, para umano sa transparency, dapat magbigay ang MWSS ng kopya ng kanilang ginawang komputasyon sa multa.

Tinanong din ni Poe, na nanguna sa ginawang pagdinig sa Senado ng water shortage, kung patuloy bang papatawan ng multa ang Manila Water kung nagpapatuloy ang water interruptions nito.

“Will they not be continuously sanctioned as long as water interruptions continue? Hindi naman yata tama na porke’t magbabayad na ang Manila Water ay okay nang magpatuloy ang water interruptions,” sabi ni Poe.

Dagdag pa ni Poe, magsilbing aral sana sa lahat na malaki ang pananagutan kapag public service ang pinag-uusapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?