41
Mga akusado sa ‘Morong 43’, pinayagang maghain ng demurrer to evidence
By

P1.052B kaso kontra mga Marcos, binasura ng Sandiganbayan

Hinarangan ng Sandiganbayan 2nd Division ang kaso ng P1.052 na umano’y nakurakot ni dating Pangulo Ferdinand Marcos at kanyang asawa na si Imelda.

Sa Civil Case No. 008 noong 1988, saad sa reklamo ng Presidential Commission on Good Government na nagkamal ang mga Marcos, at Rustan’s Commercial Corporation founder na sina Bienvenido Tantoco Sr at Gliceria Tantoco, ng mga mamahaling artwork at jewelry at mga real estate property sa New York.

Kasama rin sa kaso ang mga property sa Hawaii sa US, Rome, Italy at Forbes Park , at ilan pang ari-arian tulad ng mga sasakyan, pera, mga loan at tatlong Cessna plane.

“Evidently, plaintiff republic failed to prove by preponderance of evidence that the defendants by themselves, or in conspiracy with defendants Marcoses obtained ill-gotten wealth,” ayon sa resolusyon ng korte.

Saad ng korte na apat na witness lamang ang prinesenta bago i-waive ang pagpapakita ng mga ebidensya dahil sa “unjustified non-appearance” ng mga government lawyer.

Ang iba pang ebidensya ay hindi pinayagan dahil naman hindi ito naibigay sa discovery proceeding, ang iba naman ay tinutulan dahil ‘photocopy’ lamang umano ito ayon sa korte.

“There is likewise insufficient evidence to prove that the defendants acted as dummies, nominees, and/or agents of defendants Marcoses in acquiring works of art, clothes, jewelry, or real estate worth billions of pesos” ayon sa korte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?