288

By

Oyo itinanggi ang viral quote vs Duterte bashers

Kumalat online ang meme kung saan inatake umano ni Oyo Sotto ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Instagram account, nilinaw ni Oyo na hindi sa kanya galing ang quote o pahayag na nakalagay sa meme.

“Gusto ko lang po linawin na hindi sa akin galing ang mga salitang nasa picture. Doon po sa gumawa nito, paki-delete at wag po sana gamitin ang kung sino man na hindi naman talaga nagsabi niyan. Mag-ingat po tayo sa fake news. Salamat po,” sabi niya sa post

Nilagyan niya ito ng hashtag na #MaramingNamamataySaAkala. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?