92

By

OWWA, CCP kabilang sa nagdudumi sa Manila Bay

Nadagdag sa listahan na nagtatapon ng kanilang wastewater sa Manila Bay ang gusali ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) matapos pangalanan ang mga ito ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Sa ulat ng LLDA, lumabag sa Republic Act 9275 o mas kilala sa tawag na Philippine Clean Water Act of 2004 ang mga establisimiyento ay nabigyan ng cease and desist orders (CDO), 12 notice of violation (NOV) at tatlong ex-parte orders (EPO).

Binigyan ng NOV ang OWWA building sa F.B. Harrison at ang CCP main at annex building kung saan nag-oopisina ang kanilang production design center.

Kabilang sa mga nabigyan ng CDO ay ang Jollibee Foods Corp. na matatagpuan sa Macapagal Blvd., Pasay; Heng Feng Kitchenette sa F.B. Harrison St., Pasay; Max’s Restaurant sa Ermita, Manila; Lamer Catering at Nihon Bashitei Japanese Food na kapwa sa Malate, Manila.

Dalawang condominium buildings naman at isang motel ang nabigyan din ng NOV kabilang na dito ang Heritage Condominium Corporation sa Malate; First Marbella Condominium sa Roxas Boulevard at ang Harrison Lodge sa F.B Harrison.

Bukod sa mga ito, kasama rin sa napadalhan ng NOV ang Ma. Natividad Building sa Ermita, Manila; Marina Square Properties Inc. sa Malate, Manila; Federal Land, Inc. sa San Rafael, Pasay; Gold Quest Premiere Resources Inc. at Libertad Tourist Development Inc. na kapwa nasa Barangay 76, Pasay at Wellcross Freight Corp. sa Harrison St., Pasay.

Kabilang naman sa mga nabigyan ng EPO ay ang Aloha Hotel sa Roxas Boulevard; Sarmiti Food Corporation (Shawarma Snack Center) sa Ermita at Orix Auto Leasing Phils. Corp. sa Pasay City.

Sinelyuhan ang mga faucets, outfall pipes, sinks at lavatories ng mga nabanggit establisimiyentong nabigyan ng CDO. Pagbabayarin din ang mga ito ng halagang P20,000 hanggang P200,000 kada araw hanggang maisaayos ng mga ito ang kanilang ginawang paglabag.

Ayon kay Medina, ang mga pasilidad na binigyan ng EPO ay may 15 araw na magsumite ng kanilang explenasyon at remedial plan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?