165
Otso Diretso obsess sa debate – Mayor Sara
By

Otso Diretso obsess sa debate – Mayor Sara

Nakakalungkot umano ang pagkahumaling ng Otso Diretso sa debate, ayon kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Carpio-Duterte.

Sinabi pa nitong “very unprofessional” at bara-bara umano ang mga opposition senatorial candidate sa inaasam nitong debate laban sa Hugpong ng Pagbabago (HNP).

“Bara-bara. Very unprofessional and then ngayon uutusan ako? I am the chairman of HNP tas gagawin akong secretary nung grupo na merong obsessive disorder or fixation sa debate,” ani Carpio-Duterte

sa campaign sortie ng HNP sa Pateros, Manila.

Inihayag ito ng alkalde matapos hilingin sa kanya ni Otso Diretso bet Romulo Macalintal na magpadala ng kinatawan para maiayos na umano ang debate.

Dagdag pa ni Carpio-Duterte, magandang hakbang umano ang ginawa ng Otso Diretso na dumulog na sa Comelec para sa hinihingi nitong debate laban sa kanilang grupo para umano hindi siya ang inuutusan ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?