212
Otso Diretso nagtakda na ng venue, petsa ng debate vs Hugpong
By

Otso Diretso nagtakda na ng venue, petsa ng debate vs Hugpong

Naglaan na ng petsa at venue ang Otso Diretso senatorial candidates para sa hamon nilang debate sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ito’y matapos sabihin ni HNP founder Davao Mayor Sara Duterte-Carpio na handa ang kanilang mga pambato na harapin ang hamon na debate ng opposition candidates.

Iniskedyul ni human rights lawyer Chel Diokno ang debate sa Plaza Miranda ng Pebrero 25.

Bago nito ay nauna nang hinamon ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Bong Go sa isang debate kaugnay sa isyu sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?