223
Otso Diretso hindi nakabase sa istorya ni Aquino - Alejano
By

Otso Diretso hindi nakabase sa istorya ni Aquino – Alejano

Inaamin ni opposition senatorial bet Gary Alejano na hindi perpekto ang Otso Diretso slate, pero ang isyu umano nina Mar Roxas at Noynoy Aquino ay nakaraan na at hindi na dapat gawing isyu pa.

Ani Alejano, tingin umano niya ay opinyon lang ng campaign manager ni Roxas kung bakit ito nagpalit ng campaign color.

“Nakaraan na eh, tapos na. Ang Otso Diretso at ang indibiduwal na miyembro ng Otso Diretso ay hindi naka-base sa istorya ng Liberal Party o ni President Aquino,” saad ng dating sundalo.

Matatandaang naging isyu ang pahayag ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice kung bakit nagdesisyon silang ibahin ang campaign color ni Mar Roxas matapos itong palagan ni Kris Aquino dahil tila paninisi raw sa kanyang kuya Noynoy Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?