1,240

By

Otso Diretso hindi ‘dilawan’ – Alejano

Inihayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na ang ‘Otso Diretso’ ay walang direktang koneksyon sa dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa press conference sa Maynila, sinabi ng Otso Diretso senatorial bet na hindi porke oposisyon ay maiuugnay na sa pagiging ‘dilaw’, kulay na idinikit sa mga Aquino, matapos maitanong sa pag-iwas umano ni Mar Roxas sa kanila kahit miyembro ito ng koalisyon, ayon sa campaign manager nito na si Caloocan Congressman Edgar Erice.

“The story of Otso Diretso or its individual members is not based on the story of the Liberal Party or former President [Noynoy] Aquino,” ayon kay Alejano. “There’s propaganda to paint the previous administration or any critic or opposition member as ‘yellow,’ and that we all have the same faces.”

Saad ni Erice sa panayam sa Inquirer, nagsisi umano si Roxas na naiugnay ang pangalan sa mga Aquino noong 2016 presidential elections. Sa ngayon ay asul umano ang kanilang napiling kulay at nais na makawala sa pagkakakapit ng pangalan sa ‘dilaw’.

Hindi rin umano madalas sumama si Roxas sa ‘Otso Diretso’ sa pangambang madawit sa pambibira ng koalisyon kay Duterte.

Ngunit ayon kay Alejano, wala naman umanong iringan sa pagitan ng Otso Diretso at kanilang kasangga na si Roxas.

“So far in my personal experience, we have good camaraderie. With Sen. Mar Roxas, along with [Sen.] Bam Aquino, our cooperation is OK,” saad ng Magdalo Rep.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?