321
Otso Diretso hindi apektado ng Roxas-Aquino isyu
By

Otso Diretso hindi apektado ng Roxas-Aquino isyu

Hindi umano nagkalamat ang pagkakaisa ng mga kandidato ng Otso Diretso sa nangyayaring sigalot sa pagitan nina senatorial candidate Mar Roxas at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice kung bakit nagdesisyon silang ibahin ang campaign color ni Mar Roxas.

Para kina dating deputy speaker Erin Tañada, Magdalo Rep. Gary Alejano at Marawi civic leader Samira Gutoc, ang istorya umano ng Otso Diretso ay hindi istorya ng mga individual candidate kundi istorya ng mga mamamayang Pilipino.

Kaya hindi nila tinitignan ito bilang problema dahil may mas malaking problema ang taumbayan na mas dapat nilang pagtuunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?