449

By

‘Otso Diretso’ haharang kontra Cha-cha

Lalabanan umano ng “Otso Diretso” ang anumang tangka na baguhin ang 1987 Constitution sa ilalim ng administrasyong Duterte maging ang alinmang panukala na magbababa sa edad ng pananagutan.

Inihayag ito ng grupo na kinabibilangan nina Senador Bam Aquino, dating senador Mar Roxas, Magdalo Rep. Gary Alejano, dating House Rep. Erin Tañada, mga abogadong sina Chel Diokno, Pilo Hilbay at Romulo Macalintal, at Muslim assemblywoman Samira Gutoc sa isang manipesto na nakatakdang pirmahan ng “Otso Diretso”.

Ang “Otso Diretso” ang senatiorial slate ng oposisyon.

Hindi naman idinetalye sa manipesto kung bakit tutol ang opposition candidates sa pag-amyenda sa Konstitusyon pero inakusahan ng mga ito ang paghahanap umano ng paraan ng administrasyong Duterte na manatili sa kapangyarihan.

Anila, imbes umano na iangat ang buhay ng mga Pilipino, pagpapalit ng Konstitusyon at pananatili sa kapangyarihan umano ang tinututukan ng Duterte admin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?