124
OT pa more! Thompson bumuhos ng 27 pts vs Magnolia
By

OT pa more! Thompson bumuhos ng 27 pts vs Magnolia

Tuwing maghaharap ang Ginebra at Magnolia, paniguradong umaatikabong aksyon ang masasaksihan sa Manila Clasico rivalry.

Sa pagtutuos, nangibabaw ang Gin Kings kontra sa Magnolia sa overtime, 97-93, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nangibabaw si Scottie Thompson para sa Ginebra, kumamada ng 27 points, tatlong tres, 11 rebounds at limang assists para sa panalo.

Sa fourth period lamang ang Ginebra ng anim 46 segundo ang nalalabi, 85-79, ngunit biglang nagpakawala ng magkadikit na tres si Jio Jalalon para itabla ang laban.

Mintis ang naging tira ni LA Tenorio dahilan para mapunta ang laro sa extra period.

Sa overtime, nagtulong si Thompson pa rin ang bumida, nagsalpak ng limang puntos para maitakas ang panalo, isa pa ay pasa para sa isang highlight dunk ni Japeth Aguilar para sa six-point lead, 96-90.

Nakatuwang ni Scottie si Aguilar na may 16 markers at 12 rebounds.

Nasayang naman ang 23 points at seven assists ni Mark Barroca, maging ang 22 points ni Jio Jalalon.

Angat ang kartada ng Ginebra, 5-3, samantalang napatid ang two-game win streak ng Magnolia para sa 3-5 baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?