30

By

Orbeta asinta ang ikatlong Southeast Asian Tour

Target ni two-time Southeast Asia Tour champion Lovely Mae Orbeta na masundan pa ang tagumpay na kanyang natatamasa sa international darts scene.

“I’m looking forward to my next tournament in Malaysia this weekend. Sana manalo po uli,” kwento ni Orbeta sa pagbisita nito sa 35th ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

Patungong Malaysia si Grade 9 student Orbeta para sa competition ngayong weekend at para makuha ang ikatlong panalo sa Southeast Asian Tour.

“Magagaling din po ‘yun mga kalaban ko dun, pero puspusan naman pagsasanay ko sa tulong ni coach Jeffrey Roxas,” detalye ni Orbeta sa weekly session na sinusuportahan din ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf.

Bumisita rin sa sports forum sina Muaythai Association of the Philippines representative Pearl Managuelod at SEA Games boxing champion Josie Gabuco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?