71

By

Optometrist, 3 pa huli sa shabu sa Zamboanga

Apat na katao kabilang ang isang optometrist ang naaresto dahil sa P11,800 halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jose Jay Garcia, 57, isang optometrist; Ron Mark Alagad, 31; Christopher Ibañez, 49; at Al Mark Fulgosa, 32.

Nalambat umano sina Garcia, Alagad at Ibañez sa drug bust dakong alas-10:00 ng gabi noong Huwebes sa Nuñez Street sa Zone 3 village.

Nakumpiska sa kanila ang may P1,800 halaga ng shabu at tatlong sachet ng pinatuyong marijuana.

Nahuli naman si Fulgosa sa pag-iingat ng P10,000 halaga ng shabu sa drug bust dakong alas-3:10 ng madaling-araw noong Biyernes sa Purok 4B sa Sta. Catalina village.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga nadakip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?