129
Opposition bets, Poe, Colmenares, Binay wagi sa mock election sa UP Manila
By

Opposition bets, Poe, Colmenares, Binay wagi sa mock election sa UP Manila

Wagi ang lahat ng kandidato sa pagka-senador ng opisisyon sa isinagawang mock election ng University of the Philippines (UP)-Manila Student Council at ng UP Political Science Society.

Nanguna sa naganap na mock election si senatorial bet Jose Manuel “Chel” Diokno.

Ayon sa ulat mula sa datos ng final activity ng UP Manila organizations na nilabas noong Miyerkoles ng gabi ipinakita na nakakuha si Diokno ng 373 na boto mula sa 404 na balota na kinokonsiderang valid mula sa 2,345 na boto na nakalap.

Pumangalawa naman si dating Bayan Muna representative Neri Colmenares na may 347 boto.

Ika-3 ay ang civic leader at abogado na si Samira Gutoc na may 335 na boto.

Ika-4 ay ang dating solicitor general na si Florin Hilbay na nakakuha ng 170 votes at ika-5 ay si Senator Benigno “Bam” Aquino 4th.

Ibinoto rin ng mga estudyante ng UP si Grace Poe na siyang nakakuha ng ika-6 na pwesto at mayroong 158 na boto.

Si dating Quezon representative Lorenzo “Erin” Tañada III naman ay nakakuha ng 106 votes habang 104 naman ang nakuha ni labor leader Leody de Guzman.

Pasok din sa Top 12 si dating senador Manuel “Mar” Roxas II na nakakuha ng 91 na boto.

Ang kumumpleto sa listahan ay sina Magdalo Rep. Gary Alejano na may 58 na boto, Senador Nancy Binay at election lawyer Romy Macalintal na may 52 boto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?