73
Palasyo: Duterte hindi inatake sa puso
By

Oposisyon tinawag na “basura” ni Pangulong Duterte

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na basura ang oposisyon dahil sa mga ibinabatong propaganda laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa kanyang pagsasalita sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na huwag basta maniwala sa basura ng oposisyon partikular ang bintang at pagkuwestiyon sa pagkakaroon nito ng law office at ang kanyang negosyong motor shop.

Ayon sa Pangulo, hindi niya solo ang itinayong law office dahil may partner siya dito habang ang pagtatayo ng motor shop ay dahil sa pagiging hilig nito sa bug bikes.

“Huwag kayong maniwala sa basura ng oposisyon, I will explain it. And besides in all of my — it’s always my law partner’s office and ‘yung nagpapabili kami ng motor. You know I ride the motor. Kayong mga taga-Bacolod alam ninyo ‘yan. And everybody is in the business of big bike. Swap, palit, magdagdag lang ako o magbili ako ng motor mo. Iyan lang naman ang kanila tapos ‘yung kayamanan,” anang Pangulo.

kaugnay naman sa kinukuwestiyong yaman na iniuugnay sa kanyang statement of assets liabilities and networth (saln), sinabi ng Pangulo na kung meron man siyang pera ay ilalantad niya ito sa tamang tamang pagkakataon.

“Well, sabihin ko sa inyo — sabihin ko sa inyo in due time. Mayaman? Eh taguin ko. Bakit ko sasabihin sa inyo kung saan ko nailagay? G*** pala kayo eh. May tao ba ito na — maholdup pa tayo. Kung pera, may pera ako. U***,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na sa tagal nitong pagiging pulitiko ay walang transaksiyong umabot sa kanyang mesa dahil ito ay hanggang sa mesa lamang ito ng kanyang gabinete.

“Wala akong transaksyon sa gobyerno because I do not allow transactions, contract sa gobyerno na aabot sa table ko. Iyan ang maipagmayabang ko. Iyang mga transaksyon, contract sa gobyerno na involving private or public funds, they do not reach my table. I have nothing to do with it. It begins and ends with the Cabinet members. Wala kang maturo sa ano,” wika pa ng Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?