190
ABANTE Panfilo Lacson pnp tokhang
By

Oposisyon lugi ‘pag dinamay si Duterte sa eleksyon – Lacson

Nagkakamali umano ang oposisyon sa pagpapa-ingay na referendum o botohan ng pabor at kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte ang eleksyon ngayong taon.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang oposisyon mismo ang madedehado rito dahil malaking mayorya ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa pamumuno ng Pangulo.

“If I were their campaign manager, I wouldn’t bring the campaign to that level, not even strike the consciousness of the electorate along that line. Why?” ani Lacson.

“That is tantamount to pitting their candidates against a popular president with 81% approval rating before the end of 2018… Common sense,” susog nito.

Una rito, sa pag-arangkada ng panahon ng kampanya, sinabi ng mga kandidato sa pagkasenador ng Otso Diretso na “indirect referendum” sa pangulo ang eleksyon na magaganap sa kalagitnaan ng termino ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?