22

By

‘Oplan Tokhang’ hindi kailangang alisin – PDEA

Para kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino, nababaluktot lang ang ibig sabihin ng Oplan Tokhang at hindi ito kailangang alisin.

Ang dapat aniya ay i-reassess ito ng Philippine National Police kung paanong aayusin o pagagandahin.

“Hindi naman kelangang alisin ang Oplan Tokhang…Kaya lang kasi binabaluktot ang ibig sabihin ng Oplan Tokhang ng PNP. In fact it is a good oplan. Siguro kailangan lang i-reassess ng PNP kung paano pa aayusin o pagagandahin,” ani Aquino.

“In fact, when you define Tokhang, it’s just encouraging drug personalities to surrender,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?