41
Opisyal ng NCIP pinatay sa kaniyang bahay
By

Opisyal ng NCIP pinatay sa kaniyang bahay

Pinagbabaril sa kaniyang tahanan sa Abra ang opisyal ng National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) na si Crispin Abbago.

Ang 43-anyos na administrative aide IV ng NCIP ay residente ng San Gregorio sa bayan ng La Paz, Abra.

Habang isinasara ang pintuan ng kanilang kusina ay pinagbababaril umano ang biktima, ayon sa report ng pulisya.

Agad na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin sa pagpatay sa NCIP official.

Idineklarang dead-on-arrival si Abbago nang isugod ito ng kaniyang kapatid sa Abra Provincial Hospital.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa kung anong rason ng pamamaril habang narekober ng mga ito ang isang 5.56 mm na baril sa pinangyarihan ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?