547

By

Operation Tokhang naging Operation All Talk kay Robredo – Cayetano

“Operation Tokhang, naging Operation All Talk.”

Ito ang idiniin ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Vice President Leni Robredo mula nang maging drug czar ito.

Sa isang TV interview, sinabi ni Cayetano na “wrong mouth” agad ang panimula ni Robredo bilang co-chairperson ng anti-illegal drugs committee ng gobyerno.

Sa pag-upo pa lamang aniya ng Bise Presidente ay kung ano-anong ideya at kritisismo na agad ang naibato niya sa mga ahensya ng gobyerno.

“I’ve been monitoring the last three days and parang from Operation Tokhang, naging Operation All Talk,” ayon kay Cayetano.

“Pag-upo pa lang, o UN papasukin ba o hindi? Tokhang tanggalin ko, so it’s hard. Then now she’s saying magpapa-briefing siya sa lahat ng departments, lahat ng agencies, eh hindi pa pala nagbi-briefing eh why already all those ideas and criticsms?” sabi pa ni Cayetano.

Una nang nakipagpulong nitong nakaraang linggo si Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ito’y matapos siyang italaga sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang ulit na kritisismo ng Bise Presidente sa drug war.

Nangako naman ang Vice President na babaguhin nito ang direksyon ng kampanya sa pag-implementa ng health-based approach at paghinto ng extrajudicial killings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?