27

Mar 4, 2020 @ 22:44
By

ONE eSports Dota 2 Indonesia lalarga

Inihayag ng ONE eSports, isang subsidiary ng ONE Championship (ONE) na pinakamalaking global sports media property sa Asia, ang pakikipagpareha sa PGL para sa pagsasagawa at pagsasapubliko ng official schedule sa Singapore para sa susunod na ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational sa Nobyembe 23-29.

“The success of the ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational is only the beginning and we want to continue our investment in the Dota 2 ecosystem. I’m excited to announce another Invitational in Indonesia in November 2020 after the Singapore Major in June,” sabi ni Carlos Alimurung, CEO ng ONE eSports.

“As always, we will bring together the world’s best pro teams to compete, and fans can look forward to exciting matches, meet-and-greet sessions, cosplays, and the best experiences at our event.”

Anag-overall winner sa ONE Esports Dota 2 Singapore World Pro Invitational noong Disyembre 17-19 ang Vici Gaming ng China.

Ang event ay nakakuha ng 88 milyong global views, kasama ang 464,000 pinakamataas na magkasabay nanood mula sa 24 bansa na bansa.

Ang mga inimbitahang koponan sa torneo ay ang Alliance, Evil Geniuses, Gambit Esports, J.Storm, PSG.LGD, Natus Vincere, Team Aster, Team Liquid, Team Secret, TNC Predator, Vici Gaming at Virtus.pro.

Paglalabanan sa ONE Esports Dota 2 Invitational Series-ONE Esports Dota 2 Indonesia Invitational ang US$500,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?