204

By

Once a King, always a King: Manuel may mensahe sa mga Ginebra fan

Sharing is caring!

Nagsalita na ang inhinyerong si Jett Manuel ukol sa napabalitang pagreretiro nito sa PBA.

Sa kanyang Instagram account, kanyang ipinost ang larawan kung kailan siya na-draft noong nakaraang taon.

Saad ng dating University of th Philippines stalwart, siya’y nagpapasalamat sa mga komunidad ng UP, Xavier, Ginebra, mga coach, teammate at kanyang pamilya at mga fan.

“Grateful. To Ginebra. To UP. To Xavier. To my coaches. To my teammates. To my family. To the fans,” ayon kay Manuel.

Hindi aniya naging madali para sa kanyang ang pagreretiro ngunit tila masaya naman sa kanyang naging desisyon para tuluyang ibakante ang uniporme sa PBA.

May patikim pa ang ex-Ginebra player na bagama’t hinto na ang kanyang karera sa basketball, mananatili siya sa mundo ng basketball.

“I’ll always be connected to the game of basketball, but in a different form this time,” panapos pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?