11

Mar 25, 2020 @ 20:53
By

Olympics, SEA Games parehong sa 2021

DALAWANG malalaking multi-sports na torneo ang sasabakan ng mga pambansang atleta matapos na magsabay sa susunod na taon ang pagsasagawa ng ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games at ang iniusog na kada apat na taong 2020 Tokyo Olympics.

Iba’t ibang reaksyon sa buong mundo pati na rin sa bansa sa pangunguna mismo ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang nagpahayag ng pagpabor ukol sa naging opisyal na postponement ng Tokyo Olympics 2020.

“It’s the right decision—for athletes, officials, organizers and spectators. It is for all, for everybody in the country and in global safety. And it’s (postponement) better because it is not cancelation of the Games,” sabi ni Tolentino.

“May chance pa rin tayo sa medals (gold/s) for those who qualified because they can train more and chance to qualify more,” sabi pa ni Tolentino sa 2020 Olympics kung saan itinakda ng host na Tokyo, Japan ang kabuuang 33 sports na lahat halos ay hindi pa nakukumpleto matapos na makansela ang mga qualifying event dahil sa epekto ng nakamamatay na coronavirus.

Sinabi ni Tolentino, na siyang outgoing Southeast Asian Games Federation (SEAGF) president, na hihilingin nito na maiusog naman ang pagsasagawa ng 2021 SEA Games na iho-host ng Vietnam:

“We will recommend that Vietnam hosts the 31st SEA Games during the latter part of the year, just like ours which we held December,” sabi pa ni Tolentino.

Una nang itinakda ng Vietnam ang ika-31 edisyon ng SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

“Vietnam has yet to get the SEAG Federation’s official/formal approval. But we will support the dates (Nov 21-Dec2). Those dates provide enough windows from Tokyo which could be in the July-August period or exactly a summer in northern hemisphere,” paliwanag ni Tolentino.

Itinakda din ng Vietnam ang SEA Games Federation meeting sa Mayo 20 at 21 sa Hanoi upang opisyal na maihayag nito ang kanilang programa at mga sports na paglalabanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?