53

By

Olympic Stadium sa Tokyo tapos na

Opisyal na inanunsyo ng Japan Sports Council na tapos na nilang buuin ang Tokyo National Stadium bilang main centrepiece sa paparating na 2020 Olympics.

Ang kontruskyon ng Tokyo’s National Stadium ay sinimulan pa taong 2016 at siniguradong maayos at pinung-pino ang pagkakagawa bago pa sumapit ang Olympics 2020.

Magaganap sa nasabing stadium ang athletics at soccer events at kaya nitong mag-accommodate ng 60,000 katao.

“We are very pleased that construction of the stadium – a key symbol of the Tokyo 2020 Games – has now been completed; it makes us realize just how close we are getting to the start of the Games,” pahayag ni Tokyo 2020 Olympics CEO Toshiro Muto.

“We are so looking forward to seeing athletes from all over the world marching into the new stadium at the Opening Ceremony… when the eyes of the world will be on this iconic symbol of the Tokyo 2020 Games.”

Ang kabuoang ginatos para sa Tokyo National Stadium ay nagkakahalang $1.25 billion ay opisyal naman na bubuksan ito sa Dec. 21 para sa Emperor’s Cup soccer final at ito ang unang event na sasabak sa bagong tayong stadium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?