62

By

Olivarez milya ang lamang para sa Parañaque mayoral post

Nangunguna si reelectionist Edwin Olivarez sa pagka-alkalde ng Parañaque City.

Nakuha niya ang 167,724 boto, habang ang kanyang katunggali na si Jun Bernabe ay mayroon lamang 52,371 votes.

Ito ay base sa Comelec data, 98.63 percent na ang pumapasok na boto.

Samantala, maganda rin ang pwesto ni Rico Golez sa pagka-bise alkalde ng lungsod, 140,204 na kontra sa 70,570 ng anak ng aktor na si Joey Marquez na si Jeremy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?