24

May 23, 2020 @ 14:32
By

Ogie sinakripisyo ang mga laruan para kay Angel

Para makatulong sa inisyatibo ni Angel Locsin, pinakawalan ng OPM legend na si Ogie Alcasid ang malaking parte ng kanyang toy collection para makatulong sa pangangalap ng pondo para sa COVID-19 mass testing.

“Been collecting these for over 24 years. Time to let go of most toys so someone else may take care of them and at the same time people will be tested for Covid,” ayon sa tweet ni Ogie.

“Just helping an angel with her advocacy. Go @therealangellocsin,” aniya pa.

Kasama sa mga binigay ni Ogie ay ang kanyang mga Daimos at Star Wars collection.


Ang mga ito ay mapupunta sa ‘Shop and Share’ project, na dati nang nasimula ni Angel at Anne Curtis noong humagupit ang bagyong Ondoy taong 2009.

“Thank you, kuya! Ang dami,” pasasalamat ni Angel kay Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?