1,010

Feb 19, 2020 @ 18:36
By

Ogie pinatulan si Mocha: Ano naitulong mo sa mga OFW?

Binanatan ni talent manager Ogie Diaz si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson matapos pagsabihan ng huli ang ABS-CBN na huwag magpaawa at sagutin sa korte ang mga alegasyon laban sa kanila.

“Ang dami ng nailabas na propaganda ng ABSCBN na nagpapaawa pero ang sagutin ang korte hindi magawa gawa. Stop the drama answer the allegations,” tweet ni Uson noong Pebrero 18.

Sinita ito ni Diaz at sinabing mas maayos kung ilalabas nito ang mga naitulong sa mga OFW simula nang maupong OWWA Deputy Administrator kesa makialam sa isyu ng ABS-CBN.

“Ateng, mas bongga ka kung ire-release mo yung bilang at kung ano ang naitulong mo sa mga ofw since owwa admin ka,” sabi ni Diaz nitong Pebrero 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?