48

By

OFW tinangkang gahasain, pinag-aalaga ng kambing sa disyerto

Nanawagan ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait para matulungan siyang makauwi ng Pilipinas dahil sa tatlong beses na umano siyang pinagtangkaang halayin ng kanyang amo.

Maliban dito, dinadala rin umano ang biktima, na itinago sa pangalang Jenny, sa disyerto para mag-alaga ng kambing ng kanyang amo, ayon sa video na pinadala sa News5.

Pinagbantaan din siya ng amo niyang papatayin muna siya bago makauwi sa bansa saka siya pinagsasampal.

Sinuspinde na umano ng POLO Kuwait ang foreign recruiment agency ng biktima.

Kasalukuyan na rin umanong pinoproseso ang pag-rescue sa OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?