515

By

OFW tinali sa Saudi

Isang larawan ng umano’y overseas Filipino worker ang kumakalat sa social media dahil sa mahigpit na pagkakagapos nito sa isang puno sa Middle East.

Ayon sa post ng netizen na si Amer Navodlom, kinilala nitong isang Lovely Acosta Baruelo ang nakataling OFW Na isa umanong domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa larawan, makikita na nakatali ang babae habang may bagahe sa kanyang harapan.

Tubong Bauang, La Union umano ang ang babae at ayon sa post, makakauwi na raw ng ligtas ang OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?