119

By

OFW sa Saudi, naholdap sa trabaho

Nadekwat ang perang panggamot sa dialysis ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia nang pasukin ng isang holdaper ang opisina nito.

Sa bidyong nakalap ng GMA News, makikitang hinahabol ni Michael Arsolacia ang isang lalaking tumatakbo palabas ng isang gusali at may bitbit na bag.

Ayon kay Arsolacia, nagkunwaring Arabo ang holdaper na may dalang patalim, na tinangay ang bag ng OFW. Naglalaman umano ito ng pera ng shop, perang 2,000 Saudi riyals (P30,000), gamot at insurance ng OFW.

Humihingi ng tulong si Michael sa gobyerno at mga kababayan para maipagpatuloy ang kanyang dialysis. Maaari siyang kontakin sa e-mail na arsolamichael0807@gmail.com

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?