20
OFW sa Macau, nagpositibo sa COVID-19
Mar 19, 2020 @ 17:48
By

OFW sa Macau, nagpositibo sa COVID-19

Sumampa sa 15 ang bilang ng nadapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Macau.

Pinakabagong dinapuan ang isang OFW.

Batay sa advisory ng Novel Coronavirus Response and Coordination Center sa Macau, isang 31-anyos na Pinoy ang pasyente at nagtatrabaho sa isang restaurant sa loob ng gaming facility.

Huling nag-duty ang biktima noong Enero 26 saka nag-leave para umuwi ng Pilipinas at bisitahin ang kanyang pamilya noong Marso 15.

Nagbalik siya sa Macau noong Marso 16 at na-admit sa Kiang Wu Hospital kinabukasan dahil sa pananakit ng ngipin, mataas na lagnat at pantal.

Kinategorya siyang “person with a moderate risk of COVID-19 infection”.

Pero nitong Marso 19 ay lumabas sa test sa kanya na positibo siya sa infection ng novel coronavirus.

Kasalukuyan nang naka-isolate ang Pinoy sa Conde S. Januário Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?