36

By

OFW remittance inaasahang aabot sa mahigit $31B

Kumpiyansa si House Committee on Banks and Financial Intermediaries chairman Henry Ong na malalampasan pa ang target na $31-billion remittances mula sa overseas Filipinos workers (OFWs) ngayong taon.

Ito’y sa kabila ng pagbaba ng padala mula sa mga OFW sa Middle East.

Paliwanag ni Ong, umabot pa rin naman ng $26.5 billion ang personal remittances mula Enero hanggang Oktubre, habang kadalasang tumataas ang remittances tuwing panahon ng kapaskuhan.

“Since the remittances always peak in December, there is even a high probability the $31 billion would be surpassed,” sabi ni Ong.

Base sa mga numero ng Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ang money transfers ng OFWs mula sa Africa, Europe, Oceania Pacific Islands, United States, Canada at Asia.

Nagpaalala naman ang kongresista sa gobyerno na huwag maging kampante hangga’t hindi tumataas ang remittances mula sa Gitnang Silangan kung saan pinakamarami ang nagtatrabahong mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?