127

By

OFW pinatay ng kaibigan dahil sa manok

Patay ang isang 40-anyos na overseas Filipino worker (OFW) matapos barilin ng kanyang kaibigan sa Barangay Salindeg, Vigan City, Ilocos Sur noong Lunes.

Kinilala ng Vigan City Police Station (VCPS) ang biktima na si Jenifer Quiton, ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek ay si Edgardo Quidolit, kapitbahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng VCPS, naglalaro umano ang biktima ng baraha sa lamay ng isang Evelio Banza nang bigla siyang lapitan ng suspek at tinanong kung bakit nawawala ang manok nitong panabong.

Sa kanilang pagtatalo, biglang bumunot ng baril ang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima ng tatlong beses sa leeg.

Agad na isinugod ang biktima sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang ngunit idineklarang dead on arrival.

Sinubukang bumakbo ang suspek pagkatapos ng pamamaril ngunit agad itong naaresto ng mga nagrespondeng pulis.

Nakakulong ngayon sa VCPS ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?