59

By

OFW patay, kasamang titser sugatan sa pamamaril

Patay ang isang OFW nang tadtarin ng bala habang kaangkas sa motorsiklo ang isang teacher sa Lucena City, Biyernes ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Marwin Umilda Mendoza, 30, residente ng Barangay Salinas matapos magtamo ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinamaan naman sa binti ang kaangkas nito na si Roxanne Millares Reyes, 26, teacher at kabaranggay ng biktima.

Batay sa report ng Lucena City Police, pinagbabaril ang dalawa habang tinatahak pauwi sa kanilang lugar ang Eco-Tourism Road na sakop ng Barangay Salinas alas-11:20 ng gabi, Disyembre 6.

Sakay din umano ng motorsiklo ang gunman na dumikit sa motorsiklo ng mga biktima sa madilim na bahagi ng highway.

Agad ding tumakas ang hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?