109
saudi
By

OFW na binuhusan ng kumukulong tubig ng amo sa Saudi, pauwi na

Ibinalita nina ACTS OFW Partylist Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz at Toots Ople ng Blas Ople Center na makakauwi na si Pahima Alagasi, ang overseas Filipino worker na binuhusan ng kumukulong tubig ng amo sa Riyadh.

Ang 26-anyos na OFW na nagdusa sa matinding sunog sa buong katawan na umabot ng second degree burn ay posibleng makauwi na sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Bertiz, ang magandang balita ay galing mismo kay Saudi Arabia Ambassador to Manila Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy.

“I am pleased to report that a few hours ago, I received a phone call from Saudi Arabia’s Ambassador to Manila, (His Excellency) Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy, who informed me that Fahima can now leave Riyadh and come home anytime,” sabi ni Bertiz.

Naresolba na aniya ang kasong slander na isinampa ng amo ni Alagasi, sa tulong ni Saudi Prince at Interior Minister Abdullah Bin Saud Bin Naif na kamakailan ay bumisita sa Malakanyang.

“Dr. Al-Bussairy notified me that the retaliatory cases filed by the employer against Pahima have been resolved through the intercession of Saudi Prince and Interior Minister Abdulaziz bin Saud bin Naif soon after his official visit to the President in Malacañang,” ani Bertiz.

“We consider Pahima’s repatriation as a heartwarming gesture to President Duterte, who brought up her case when the Saudi Prince paid a courtesy visit to Malacañang on Mar. 19,” dagdag ng kongresista.

Apat na taon na ang nakaraan nang magalit kay Alagasi ang babaeng amo sa Riyadh nang maibagsak niya ang takip ng thermos habang nagtitimpla ng kape.

Pinupulot ng OFW ang takip ng thermos nang kunin ng kanyang amo ang thermos at ibinuhos sa kanya ang lahat ng laman nitong mainit na tubig.

Nakatakas lamang si Alagasi nang nagpapagamot na ito sa Raseel Medical Center at nagtago sa shelter ng Philippine Embassy sa Riyadh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?