236

May 23, 2020 @ 17:34
By

Octopus ka ba? Nanay beast mode sa anak na adik sa sapatos

“Ilan ang paa mo? 28? Daig mo pa octopus, g*go.”

‘Yan ang banat ng isang ina sa kanyang anak matapos itong mainis dahil sa dami ng sapatos nito sa kanilang bahay.

Bumwelta naman ang anak nito at sinabing bakit hindi umano bag ng kanyang nanay ang pagdiskitahan nito.

Syempre ay hindi pa rin nagpatalo si mommy.

“Hoy ang bag ko ginagamit ko, naiikot-ikot ko. Ito kahit ikut-ikutin mo, ilang buwan na t*ng*na tapos na ang COVID, tapos na ang ECQ hindi mo pa nasusuot lahat ‘yan!” giit ng beast mode na ina.

“Saan ka ba pumupunta p*nyeta nagi-ML ka lang naman diyan! Kailangan mo sapatos, oh sige habang nagi-ML ka suotin mo isa-isa ‘yan!”

Isang netizen na si Ouie Sanchez ang nagpakilalang ina niya ang nakakatuwang mommy na si Maggie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?