22

By

Obispo nanawagan sa mga pari: Buksan ang mga simbahan sa ‘Tisoy’ evacuees

Hiniling ng Diocese of Legazpi sa mga kaparian na payagang manatili sa mga simbahan ang mga maaapektuhan ng bagyong Tisoy.

“I am requesting you to open our parish churches/pastoral halls for evacuees. For those parishes near to the designated evac centers like schools etc., kindly offer your parish/public restrooms for the use of our brothers and sisters in the evacuation centers,” sabi ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa Facebook post.

Nanawagan din ang obispo na tulungan ang gobyerno sa ginagawang pagsisikap para sa mga biktima ng bagyong Tisoy.

“As we continue to pray the Oratio Imperata, lets us also join our (government) agencies especially those in-charge of disaster risk reduction and management in helping our parishioners to be safe,” dagdag pa niya.

Alas-11:00 ng gabi noong Lunes, Disyembre 2 nang mag-landfall sa Gubat, Sorsogon si “Tisoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?