566

Jan 25, 2019 @ 20:20
By

Obispo na nahuli sa Cavite drug bust, hindi Catholic bishop – CBCP

Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang nadakip na obispo sa anti-illegal drugs operation sa Bacoor, Cavite ay hindi obispong Katoliko.

Sa pahayag na inilabas nila nitong Biyernes, sinabi ng CBCP na si Bishop Richard Alcantara ng Sacred Order of Saint Michael (SOSM) congregation ay hindi rin umano nila miyembro.

“Richard Alcantara is neither a Catholic bishop nor a priest of the Roman Catholic Church and is certainly not a member of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),” sabi sa statement ng CBCP.

Batay sa website ng SOSM, espesyalista sila sa exorcism.

Naaresto ang 38-anyos na si Alcantara sa buy-bust operation sa Barangay Alima, Bacoor matapos itong maaktuhan habang bumabatak.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Alcantara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?