66
Obiena, Athlete of the Month ng TOPS
By

Obiena, Athlete of the Month ng TOPS

Isang malaking tagumpay ang nakamtam ni Pinoy pride Ernest John Obiena nang magwagi ito ng gintong medalya sa men’s pole vault kamakailan sa Asian Athletics Championships sa Doha, Qatar kaya naman hinirang itong TOPS (Tabloids Organization in Philippine Sports) Athlete of the Month para sa buwan ng Abril.

Umukit ng kasaysayan ang 23-year-old UST product nang magtala ito ng 5.71 meter record upang matalo sina Chinese pole vaulters Zhang Wei at Huang Bokai.

Nilampasan ni Obiena ang dating record ni Kazakhstan bet Grigoriy Yegorov noong 1993 na 5.70 meters at itinanghal bilang unang Pinoy gold medalist sa continental meet matapos ang long jump title ni Marestella Torres noong 2009.

“EJ Obiena’s personal success and tournament record, which ended the country’s decade-long gold medal drought in the Asian Athletics Championships is clearly the most inspiring achievement by the Filipino athletes this April,” pahayag ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.

“With his feat, Obiena also qualified to the World Championships in September.”

Ilan pa sa mga kinonsider bilang Athlete of the Year para sa buwan ng Abril sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (tatlong silver medals sa Asian Weightlifting Championships in Ningbo, China), World Boxing Association bantamweight champion Nonito Donaire (pinataob si Stephon Young para sa World Boxing Super Series sa Lafayette, Louisiana, USA), fighter John Riel Casimero, (wagi kontra kay Ricardo Espinoza para sa World Boxing Organization interim bantamweight titlena ginanap sa California), at Philippine women’s ice hockey team (Gold medalists sa IIHF Women’s Hockey Challenge sa Abu Dhabi).

Makakasama ni Obiena sa listahan ng nasabing parangal sina boxing champion Manny Pacquiao (Enero), multi-awarded swimmer Jasmine Modjeh (Pebrero) at kapwa pole vaulter nitong si Natalie Uy (Marso).

Binubuo ang TOPS ng sports editors, reporters at photographers ng mga pangunahing tabloids ng bansa.

Dagdag pa rito ay mayroon ring weekly “Usapang Sports” ang TOPS na ginanap tuwing Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?