116

By

Oath taking ng BFP dinaluhan ng PCSO

Nakiisa ang Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) sa oath taking ceremony at pinning of ranks ng mga newly promoted non-commissioned officer ng Bureau of Fire Protection (BFP) noong Huwebes.

Nagbigay din ng mensahe si Emilyn Ubales, representative ni PCSO General Manager Royina Garma, sa nasabing seremonya sa National Capital Region (NCR) – Regional Office sa Quezon City nitong Enero 16, 2020.

Ayon kay Ubales, iisa lang ang layunin ng PCSO at BFP: ang maglaan ng tulong sa mga nangangailangan, at sumagip ng mga buhay.

Nabanggit din ng representative sa pagtitipon na on-track ang ahensiya sa tinakdang P52 bilyong pondo na para sa libreng pagpapaospital sa mga pasyente, lalo na ang mga kapos sa pera. Magtatatag aniya ang PCSO ng marami pang branch para tugunan ang programang Universal Health Care (UHC) ng pamunuang Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?