26

May 23, 2020 @ 8:46
By

NY Knicks great Patrick Ewing sapul ng COVID

Inanunsyo ng dating NBA star na si Patrick Ewing na siya’y tinamaan ng COVID-19.

Sa tweet ni Ewing, pinaalalahanan nito ang publiko na seryosohin ang nasabing sakit para maalagaan ang kanya-kanyang pamilya.

“I want to share that I have tested positive for COVID-19. This virus is serious and should not be taken lightly. I want to encourage everyone to stay safe and take care of yourselves and your loved ones,” ayon kay Ewing.


Si Ewing ay nagsilbing starting center para sa New York Knicks ng 15 taon, mula 1985 hanggang 2000.

Napaabot niya ang Knicks sa dalawang Finals appearance, at napabilang din sa 50 Greatest Player in NBA History.

Sa kanyang NBA career, nag-average siya ng 21.0 points, 9.8 rebounds at 2.4 blocks.

Nagsisilbi ngayong coach si Ewing para sa kanyang alma mater na Georgetown University, kung saan siya lamang umano ang natatanging nagpositibo sa virus mula sa kanilang basketball program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?