60

By

Nunag umangal sa tawag ng ref

Matindi ang hampasan ng bola sa Game 1 ng best-of-three finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference nitong Miyerkoles sa pagitan ng reigning champions Creamline Cool Smashers at PetroGazz Angels.

Wagi via 4 sets ang Creamline 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 sa pangunguna ni Thai import Kuttika Kaewpin.

Ngunit sa match point ng laban 24-22, hindi naging malinaw para sa panig ng PetroGazz ang last call na hinatol ni referee Yul Benosa.

Overreaching ang tawag ng referee kay middle blocker Cherry Nunag kaya’t napunta sa Creamline ang huling puntos.

“Hindi overreach kasi hindi rin talaga tumama sa akin ‘yung bola,” depensa ni Nunag.

“Kasi kung tumama sa akin dapat nag-iba ‘yung direksiyon ng bola saka hindi naman setter ‘yung humabol so hindi ‘yun overreach kasi hindi naman ise-set eh.”

Ipinunto rin ni Nunag na dapat ipinito agad ang tawag sa kanya at hindi na pinahaba pa ang rally ng laban.

“Basta hindi siya katangga- tanggap kasi sayang, point na namin tapos biglang may call na ganun tapos parang ang tagal pumito ng referee tapos inaward sa kanila,” saad pa nito.

Muling magtatapat para sa Game 2, Sabado, ang dalawang koponan at target pang pahabain ng PetroGazz ang serye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?