74
NU top seed sa NBTC National Finals
By ,

NU top seed sa NBTC National Finals

Kasado na ang 32 koponan na sasalang 2019 Chooks-to-Go SM NBTC League National Finals ngayong Marso 18 hanngang 24 sa Mall of Asia Arena.

Nabigyan na ng slots ang bawat tropa at ang kampeon ang runners-up mula sa UAAP, NCAA, NBTC Cebu at MMBL ang pupuno sa seeds 1 hanggang 8.

UAAP champions na Nazareth School of National University ang nasa no. 1 habang no. 2 naman ang NCAA titlist na Mapua University. Nasa no. 3 seed naman ang hari ng NBTC Cebu na Southwestern University – PHINMA at no. 4 ang kampeon sa MMBL na San Beda University.

Ang mga runners-up naman na Ateneo de Manila University, La Salle Greenhills, University of San Jose-Recoletos at Colegio de San Juan de Letran, ang pupuno ng seeds mula no. 5 hanggang no. 8.

Seeded din sa Round 1 ng torneo ang mga regional champions na Calayan Educational Foundation Inc. (no. 17), St. Augustine Institute of Pampanga (no. 18), Southern Philippines College – CDO (no. 19), St. Mary’s College of Tagum Davao del Norte (no. 20), University of Perpetual Help JONELTA (no. 21), St. Louis of Don Bosco Dumaguete (no. 22), STI – West Negros University Bacolod (no. 23), and Sto. Domingo National HS Legazpi (no. 24).

Kaya’t maghaharap-harap ang mga international teams, wildcards at iba pang regional champions para sa positioning at si NBTC program director Eric Altamirano ang bumunot para sa spots sa seeding round.

Ang seeding round match-ups ay ang mga sumusunod: Italy Europe Proudly Pinoy and Hope Christian HS (9 vs 16); FEU-Diliman and Durham Crossover Canada (10 vs 15); Top Flight Hoops Vancouver and Camp David New Zealand (11 vs 14); and Filam Sports USA vs Auspinoy Australia (12 and 13);Narvacan National HS and Isabela Colleges Cauayan (25 vs 32); Sta. Clarita International School Iloilo and Zamboanga del Sur National HS (26 vs 31); University of Baguio and Dolores National HS Eastern Samar (27 vs 30); and Holy Trinity College General Santos and LPU-Cavite (28 vs 29).

Ang mananalo sa seeding round ay makakakuha sa mas mataas ng higher-seed sa unang round habang matatalo ang hahawak ng mas mababang ranking.

Ang torneong ito ay suportado ng Chooks-to-Go, Darlington-Exped Socks, EPSON, Huawei, Freego, Purefoods, Gatorade, Go for Gold, SM, at Molten.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?