60
Barker dampot sa iligal na droga
By

“NPA” timbog sa pangingikil

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos nitong kotongan ang isang babaeng negosyante sa Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa Police Regional Office 4A, naaresto noong Biyernes ng umaga ang suspek na si Sonny Luma sa entrapment operation sa Barangay Marinig.

Hindi na ito nakapalag nang arestuhin ng magkakasamang mga tauhan ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A, PIB Laguna, Regional Mobile Force Battalion 4A at mga operatiba ng Cabuyao police habang kinukuha ang extortion money sa isang Smart padala outlet.

Isinagawa ang operasyon laban sa suspek matapos nitong takutin at hingan ng pera ang negosyanteng si Rowena Dizon, isang rice trader sa bayan ng Cabuyao.

Nagpakilala umanong miyembro ng NPA ang suspek na aniya ay kumikilos sa Calabarzon.

Sa pamamagitan ng mga text message at social media ay binabantaan umano nito ng biktima na may mangyayaring masama kung hindi ito magpapadala ng pera.

Sasampahan ang suspek ng kasong robbery at extortion kaugnay ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?