249
sunog41
By

Notre Dame Cathedral tinupok ng sunog

Nagulantang ang buong Catholic community sa pagkasunog ng isa sa pinakatanyag na simbahan sa Europa, ang Notre Dame Cathedral.

Madaling-araw ng Lunes (oras sa Paris) ay naaninag ang nag-aapoy nang bubungan ng 850-year old na simbahan.

Agad na umaksyon ang mga bumbero, umabot sa 400 ang rumesponde para maagapan ang pagkalat ng apoy at maisalba ang Notre Dame.

Halos limang oras nakipagsapalaran ang mga firefighter para tuluyang maapula ang apoy at maideklarang under control.

Hindi pa batid ng awtoridad ang naging sanhi ng sunog, ngunit tinitingnan na posibleng sa $6.8 renovation project nagmula ang apoy.

Bagama’t nasunog, ligtas pa rin ang main structure ng simbahan maging ang pamosong bell tower nito, at ipinangako ni France President Emmanuel Macron na kanila muling itatayo ang Notre Dame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?