70

By

Notorious na miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Quezon City

Isang hinihinalang notorious member ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inaresto ng mga pulis sa Quezon City.

Sa press briefing na isinagawa sa Camp Crame nitong Lunes (Abril 15), kinilala ni Brigadier Gen. Joselito Esquivel Jr., direktor ng Quezon City Police District ang suspek na si Abuhair Kullim Indal, na wanted sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Saad ni Esquivel, naaresto si Indal, 32-anyos na natibo ng Basilan na may alyas na Annual Dasil at Abu Khair, sa loob ng bahay sa Salam Compound Barangay Culiat noong Biyernes, dakong alas-4:25 ng hapon.

Patuloy naman umanong iniimbestigahan ng kapulisan kung bakit nasa Metro Manila ang suspek nang maaresto ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?