722

By

Nota ni Mariah Carey, ‘di kinaya ng bote

Ibang klase ang dulot ng pinakawalang mataas na nota ng singer/diva na si Mariah Carey sa kakaiba niyang bottle cap challenge.

Sa Twitter, nag-posing pa na tila kakaratehin ng singer ang bote para mapatalsik ang takip.

Ngunit bigla itong bumirit at kusang tumalsik ang bottle cap dahil sa boses nito.

May 12.1M na ang nasabing video, at tingin ng mga netizen ay ito na ang pinakamalupit na entry sa bottle cap challenge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?