90

By

Norwood umalagwa, Rain or Shine giniba ang Ginebra

Naitakbo ng Rain or Shine ang panalo kontra Barangay Ginebra, 83-80, sa PBA Philippine Cup road show na ginanap sa Calasiao Sports Center nitong Sabado.

Nakuha ni Gabe Norwood ang kanyang ritmo at kumana ng importanteng anim na puntos, isang block at defensive rebound para ulitin ang paggiba ng ROS sa Gin Kings noong nakaraang kumperensiya sa Lucena.

Tinanghal na best player of the game si Norwood na nagsahog din ng apat na rebound at dalawang assist, kasama si Norbert Torres na nagtala naman ng 12 points, eight rebounds at three assists.

Malinis pa ang kartada ng Elasto Painters sa 2-0 habang nadungisan sa 1-2 ang Kings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?