18

By

Norwood, Belga sinalba ang RoS

SA free throw line natalo ang Magnolia Hotshots sa Rain or Shine 99-96 sa Smart Araneta Coliseum Sabado ng gabi.

Lumamang pa ng 15 ang Hotshots, pero sa dulo ng regulation ay sila na ang naghahabol hanggang makapuwersa ng overtime matapos ibuhol sa 88 ang iskor sa dulo ng regulation.

Pagdating ng extra period, naubusan ang Magnolia.

Dalawang 3-pointers ang ibinaon nina Gabe Norwood at Beau Belga, sinundan ng pares ng free throws ni Chris Tiu para ipreserba ang panalo at solohin ang tuktok ng PBA Commissioner’s Cup sa 6-1.

Laglag sa fifth ang Hotshots (3-2).

Si Rome dela Rosa ay perpektong 6 for 6 mula sa field, pero tatlo lang sa pitong biyahe sa stripe ang nai-convert para sa Magnolia.

“As much as I didn’t miss from the field, I’m thinking more about the missed free throws I had,” anang Hotshots guard.

Si Curtis Kelly ay 3 for 12 lang din sa free throw line bagama’t may 19 points at panahog na 15 rebounds sa unang laro sa Magnolia matapos palitan si import Vernon Macklin.

Sa kabuuan, 12 of 31 lang sa charity line ang Hotshots kumpara sa 23 for 32 ng Elasto Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?